Suring Basa: Etikang Tagalog, ang ikatlong nobela ni Jose Rizal
I. A. Pamagat ng Katha
Etikang Tagalog, ang Ikatlong Nobela ni Jose Rizal
B. Awtor
Nilo S. Ocampo
II. Buod ng Katha
Nagsimula ang storya sa loob ng simbahan sa
bayan ng Pili, kung saan inilalarawan ang iba’t ibang ugali at gawain ng mga
mamamayan habang nagmimisa. Katoliko ang pangunahing relihiyon sa bayan at
itinalakay din na ang simbahan ang mas higit na nakakaalam sa gawain ng mga
mamamayan sa bayan ng Pili at mas makapangyarihan ang Kura kaysa
Gobernadorsilyo. Si Padre Agaton, itinuturing na isang modelo ng mga kura at
tila diyos sa pamamalakad sa Pili. Siya ay mayroong ugali na “Palaging malinis
at maayos, matikas sa kanyang kilos, pino at maringal sa hanay ng mga autoridad.
p.20” ngunit “Pinipili lamang ang mga eleganteng kasalan, binyag at libing.
Hindi siya kailanman makikitang nagbabasbas sa isang libing na miserable at
dukha p.22” Samantala, itinatalakay din ni Rizal sa kanyang hindi natapos na
manuskrip ang mga iba pang malaking karakter sa Etikang Tagalog na sina Kapitan
Panchong ang tenyente ng bayan na maliit at mataba. Kapitana Barang kabiyak ni
Kapitan Panchong ang babaeng mataba nasa apatnapu ang edad at mahilig magsuot
ng mga alahas, si Anday ang batang ina na nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang
anak at si Cecilia, anak nila Kapitan Panchong at Kapitana Barang na mahinhin
at itinaguriang Perlas sa bayan ng Pili dahil sa kanyang kagandahan.
III. Pagsusuri
·
Istili ng Awtor
Mula sa sulat ni Rizal kay Blumentritt. Ghent,
Belgium 1891. “Binabalak kong sumulat ng ikatlong nobela, isang nobela sa
modernong pakahulugan ng salitang ito, makasining at pampanitikan. Sa
pagkakataong ito’y isasantabi ko ang politika; etika ang siyang magiging
pangunahing paksa; ang mga gawi’t ugali ng mga Pilipino lamang ang pag uukulan
ko ng pansin; may dalawang espanyol lang dito, ang kura at ang tenyente ng
guardia civil.”
·
Sariling Reaksyon
Ako ay nabigla nang aking nalaman ang
tungkol sa ikatlong nobela ni Jose Rizal ngunit hindi ito kagaya ng kanyang
dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ito’y nailimbag at
natapos. Sa aking pagkakaintindi at pagkabasa ang Ikatlong nobela na ito ay
patungkol sa mga Etiko o mga ugali at ng mga Filipino.
·
Mga Pansin at Puna:
·
Mga Tauhan
Padre
Agaton- Kura sa bayan ng Pili.
Kapitan
Panchong- Tenyente sa bayan ng Pili.
Kapitana
Barang- Maybahay ng Tenyente
Cecilia-
Mahinhin na babaeng anak nila Kapitan Panchong at Kapitana Barang.
Anday-
Batang ina na katulong nila Kapitana Barang.
Manang
Sebia- Babaeng nakatabi ni Kapitana Barang sa misa.
Furang-
lalaking nakukwento ng mga pangyayari sa misa sa harap ng patyo.
Clodio-
Matandang lalaki na umiiwas sa bendisyon ni Padre Agaton.
Dr.
Lopez- Doktor, malayang isip at anti-prayle.
Don
Paquito- Abogado, Juez de Paz ng
bayan tungkol sa sanhi ng masamang gawi ng kura.
Don
Fermin- Mangangalakal, may-ari ng tindahan sa bayan.
Isagani-
Binatang may gusto kay Cecilia.
Donya
Orang- Abogada, Tita ni Cecilia at nagpalaki at nagpaaral sa kanya.
Silvino-
Anak ni Kapitan Crispin.
Kapitan
Crispin- Kaaway at kalaban ni Kapitan Panchong sa politika.
Ape-
Binatang anak ni Kapitan Panchong.
·
Bisang Pampanitikan:
·
Bisa sa Isip
Aking natutunan na hindi pa sapat kay
Rizal ang kanyang naisulat na dalawang nobela kaya siya ay nagsulat pang muli
dahil natanto niya ang Pilipinas ay “ang parang na paglalabanan” at kailangan
niyang kausapin ang mga kababayan. Sa wikang tagalong niya ito’y sinimulan
ngunit siya ay biglang napabalik sa wikang espanyol dahil natanto niya na
“hindi marapat na maisulat ang isang akda sa dalawang wika, magiging tulad lang
ito ng mga sermon ng mga prayle, kaya’t isinusulat ko na ngayon sa espanyol”
(Rizal, 1892)
Gayunpaman, kung natapos lamang ang
ikatlong nobela ni Rizal maaring mas magugustuhan pa ito ng mga Filipino dahil
marami ang makakareleyt sa storya. Ang mga tauhan ni Rizal sa kanyang mga
nobela ay sumasalamin kung saan makikita ang ating tunay na
hitsura. Ayon nga kay Dr. Nilo, ito’y tungkol sa “pagbubunyag at pagbubuo,
walang iba kundi sa pagkabansang Pilipino.” Sa mga pahina nito makikita kung
sino nga ba tayong mga Pilipino—ano ang dapat panatilihin, ano ang dapat
iwaksi—noon, at marahil pati na rin sa kasalukuyan. Ang nakaraan nga naman ang
susi sa kinabukasan.
·
Bisa sa Damdamin
Habang binabasa ko ang hindi natapos
na nobela ni Rizal, nararamdaman ko ang pagkatuwa dahil ito ang na ang
maaring kwelang nobela na kanyang
naisulat ngunit kagaya din ng kanyang dalawang nobela, ang Etikang Tagalog ay tungkol
din sa mga prayleng espanyol at pagitan sa mga pangkaraniwang mamamayang
Filipino. Pero mas itinatalakay dito ni Rizal ang mga ugali at Gawain ng mga
Filipino lalo na habang nagmimisa ang prayle sa simbahan. Nararamdaman ko din
na ang kagustuhan ni Rizal na maghimok o mag alsa ang mga Filipino laban sa mga
kastila dahil itinatalakay niya ang mga maling gawain ng mga prayle at patunay
na sumasalamin ang kanyang mga tauhan sa totoong kalagayan ng bansa sa pananakop
ng espanya.
·
Bisa sa kaasalan
Hindi natapos ang Etikang Tagalog dahil
sa kakulangan ng oras kaya’t maaring hindi malinaw sa akin ang aral ng storya.
Ngunit, ipinapahiwatig ni Rizal sa kanyang mambabasa na ang mga nakaugaliang patakaran ng mga
Pilipino sa kanyang panahon, mga patakarang hindi nakasulat at nababase sa mga
moral at sosyal na tungkulin na nagmumula sa gawa-gawang relihiyon. Lahat sa
bayan ng Pili ay sumusunod sa etikang ito. Sinumang lumabag ay tiyak na
pag-uusapan sa misa.
(Note: This is my own paper for Filipino 1. Feel free sa mga gustong mag copy-paste)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento